-- Advertisements --

Inanunsiyo ng mga kumpanya ng langis ang pagtaas presyo ng kanilang produkto.

Inaasahang maglalaro mula P0.75-P0.85 sa kada litro ang itataas sa gasolina.

Mayroon namang P1.10-P1.20 sa kada litro ang pagtaas sa kerosene at P1.20-P1.30 sa kada litro ng diesel ang itataas.

Ang pagbababa ng imbentaryo ng langis sa US at ang pagbawas ng produksyon ng langis sa Saudi Arabia ang sanhi ng nasabing pagtaas ng presyo ng mga produktong langis.