-- Advertisements --
Matapos ang malakihang tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo noong Martes, nagbabadya na naman ang panibagong oil price hike ngayong linggo.
Batay sa ilang mga impormante mula sa oil industry, inaasahang maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70 kada litro ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.
Nasa P0.10 hanggang P0.15 naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel
Habang may P0.50 hanggang P0.60 namang umento sa kada litro ng kerosene.