-- Advertisements --

Asahan na umano ang muling pagtaas ng singil sa mga produktong petrolyo sa bansa sa ikalawang linggo ng 2021.

Ayon sa mga taga-industriya, posibleng pumalo sa P0.85 hanggang P0.95 ang kada litro ng gasolina.

Habang maglalaro naman sa P0.20 hanggang P0.30 ang taas-presyo ng diesel at kerosene.

Sinasabing tumaas ang presyo ng imported na petrolyo sa pandaigdigang merkado makaraang pagpasyahan ng Saudi Arabia na bawasan ang produksyon sa Pebrero at Marso.

Bumaba rin ang imbentaryo ng crude oil ng Estados Unidos noong nakalipas na linggo kaya nagkaroon ng sunod-sunod na dagdag-presyo.