-- Advertisements --

Nagbabadya umano ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa ilang mga impormante mula sa oil industry, papalo ng mula P0.60 hanggang P0.70 ang kada litro ng gasolina.

May umento naman na hanggang P0.10 ang kada litro ng diesel.

Habang sa kada litro ng kerosene, posibleng may paggalaw na hanggang P0.05.

Karaniwang ipinatutupad ang pagbabago sa presyo ng oil products sa araw ng Martes.