-- Advertisements --

Nagbabadya na naman sa darating na linggo ang pagtaas muli sa mga presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa ilang mga impormante mula sa oil industry, papalo ng mula P0.15 hanggang P0.25 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Sa kada litro naman ng kerosene, magkakaroon ng umento na mula P0.40 hanggang P0.50.

Wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng diesel.

Inaasahang sa darating na Martes ipatutupad ang mga pagbabago sa presyo ng oil prices.