-- Advertisements --

Panibagong taas-presyo na naman umano sa mga produktong petrolyo ang aasahan ng mga motorista sa susunod na linggo.

Ayon sa ilang mga impormante mula sa oil industry, tataas mula P0.35 hanggang P0.45 ang kada litro ng diesel.

May P0.20 hanggang P0.30 kada litrong umento rin sa gasolina.

Ang presyo ng kerosene, sisirit mula P0.50 hanggang P0.60 kada litro.

Nitong mga nakalipas na linggo nang tumaas ang presyo ng langis kasunod ng paglabas ng sunod-sunod na balita ukol sa coronavirus disease (COVID-19) vaccine.

Ang presyo ng langis noon ay bumaba dahil sa pagbaba ng demand sa ilang industriya lalo pa’t limitado ang paggalaw ng tao bunsod ng pandemya.