-- Advertisements --

Magpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.

Mayroong P1.40 hanggang P1.60 sa kada litro ng gasolina ang itataas.

Maglalaro naman sa P0.70 hanggang P0.80 sa kada litro ang diesel habang P0.90-P1.00 sa kada litro para sa kerosene.

Ipapatupad ang nasabing panibagong dagdag presyo ng mga produktong langis sa Martes Setyembre 17.

Isa sa dahilan ng nasabing dahilan ay dahil sa pagtaas ng demand ng mga produktong langis.