-- Advertisements --
Sasalubong umano sa mga motorista sa unang araw ng Marso ang ikaapat na sunod na linggo ng malakihang oil price hike.
Sa tantiya ng mga taga-industriya, P0.95 hanggang P1.05 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Maglalaro naman sa P0.70 hanggang P0.80 ang inaasahang umento sa presyo ng diesel.
Ang inaasahang pagmahal naman sa kerosene ay posibleng pumalo sa P0.60 hanggang P0.70.
Sinasabing ang taas-presyo ng nagdaang snow storm sa Texas ay malaki ang epekto sa produksyon ng langis ng Estados Unidos.
Tumaas din ang demand ng langis matapos ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.