Sasalubong ang panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Pasko, batay sa pagtayang inilabas ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB).
Ayon sa naturang ahensiya, papalo mula P0.35 hanggang P0.70 ang itataas ng kada litrong presyo ng gasolina.
Para sa diesel, posibleng tataas ito mula P1.10 hanggang P1.40 kada litro, habang sa kerosene, inaasahang tataas ito mula P0.90 hanggang P1.
Una nang nagpatupad ang mga petroleum companies ng panibagong taas-presyo ngayong lingo kung saan ang presyo kada litro ng gasolina at diesel ay tumaas ng P.80 habang ang kerosene ay umangat naman ng sampung sentimo.
Bagaman posible pang magbago ang projection, ang panibagong taas-presyo ay nakatakdang ipapatupad sa araw ng Martes, Dec. 24.