-- Advertisements --

Sinimulan na ng mga kumpanya ng langis ang taas-presyo ng kanilang mga produkto.

Epektibo kaninang ala-sais ng umaga ay nagtaas ng P0.55 sa kada litro ng diesel at P0.20 naman sa kada litro ng gasoline ang mga kompaniyang Shell, Petro Gazz, Seaoli, Caltex, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Petron at Flying V.

Habang mayroong P0.60 naman na pagtaas sa kada litro ng kerosene ang Shell, Seaoil, Caltex, Petron at Flying V.

Mamayang alas-4:01 ng hapon magtataas ng P0.55 sa kada litro ng diesel ang Cleanfuel.

Itinuturing na dahilan sa pagtaas ay ang patuloy na mataas na demand ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.