-- Advertisements --

Nagpatupad na ng dagdag presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.

Nasa P1.05 sa kada litro ang itinaas sa gasolina habang mayroong P0.80 ang pagtaas ng kada litro ng diesel.

Umabot naman sa P0.75 sa kada litro ang itinaas ng kerosene.

Nagsimula ang pagtaas dakong ala-6 kaninang umaga habang mamayang ala-4 ng hapon ang pagpapatupad ng dagdag presyo ang kumpanyang Cleanfuel.