-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang taas presyo ng kanilang produkto.
Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.20 na taas presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang mayroong P0.50 na dagdag sa kada litro ng diesel maging ang kerosene ay mayroong dagag na P0.50 na dagdag presyo sa kada litro.
Itinuturong dahilan ng Department of Energy (DOE) na ang taas presyo ng mga produktong petrolyo ay ang tumataas na fuel demand ng South Korea.
Kabilang na rin ang hindi pa natatapos na tensyon sa Gitnang Silangan.