-- Advertisements --
Nagsimula ng magpatupad ang mga kompaniya ng langis ng kanilang dagdag presyo ng produkto.
Nauna ng nagsimula magpatupad ang Caltex kaninang ala-12:01 ng madaling araw habang magkakasabay ang halos lahat ng kompaniya nitong ala-sais ng umaga.
Base sa abiso ay mayroong P1.60 sa kada litro ng itinaas ng gasolina habang mayroong P1.35 sa kada litro naman ang idinagdag sa diesel at P1.20 sa kada litro ng kerosene.
Magugunitang noong nakaraang apat na linggo ay nagpatupad ng bawas presyo ang mga kompaniya ng langis na umabot sa halos P7.00.