-- Advertisements --
Nagsimula nang ipatupad ng mga kompaniya ng langis ang kanilang dagdag presyo ng kanilang produkto.
Mayroong P1.80 na pagtaas sa kada litro ng gasolina habang P1.50 naman sa kada litro ng diesel at P1.30 naman sa bawat litro ng kerosene.
Unang nagpatupad ng pagtaas ang Caltex kaninang alas-12:01 ng hatinggabi habang kaninang ala-sais ng umaga naman nang ipatupad ng mga kompaniyang Shell, Seaoil, Petron, Flying V, Petro Gazz, PTT Philippines, Phoenix Petroleum at Cleanfuel.
Ang nasabing oil price hike ang siyang pang-walong magkakasunod na pagtaas.
Isa sa dahilan nito ay ang presyo mula sa pandaigdigang pamilihan.