-- Advertisements --

Matapos ang magkakasunod na linggo ng taas presyo sa mga produktong petrolyo ay asahan ang bawas presyo naman sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Assistant Director Rodela Romero, na maglalaro mula P0.70 hanggang P1.00 ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P0.20 hanggang P0.55 sa kada litro ng diesel at P0.40 hanggang P0.50 naman ang bawas sa kada litro ng kerosene.

Ang nasabing projections ay base sa market developments at pandaigdigang galaw ng presyo ng produktong petrolyo.

Malalaman sa araw ng Lunes kung magkano ang bawas presyo na kadalasan ipinapatupad tuwing araw ng Martes.