-- Advertisements --
Nagpatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang produkto.
Mayroong bawas na P1.10 sa kada litro ng gasolina habang P0.60 naman sa kada litro ng diesel.
Magbabawas naman ng P0.50 sa kada litro kerosene.
Nauna ng nagpatupad ng bawas presyo ang Caltex kaninang 12:01 ng hatinggabi habang kaninang alas-6 ng umaga ay sabay na nagpatupad ng bawas presyo ang Sheill, Seaoil, Flying V, Petron, Petro Gazz, PTT Philippines, Unioil, Phoenix Petroleum. Itinuturong dahilan ni Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero ang paglitaw ng Omicron variant ng COVID-19 sa panibagong pagbawas ng presyo ng mga produktong langis.