-- Advertisements --
Magpapatupad ng bawas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Mayroong P0.75 hanggang P0.90 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.
Aabot naman sa P0.80 hanggang P0.90 sa kada litro ang ibabawas sa diesel at P0.65-P0.75 naman ang ibabawas sa kada litro ng kerosene.
Inaasahang magiging epektibo ang nasabing oil price rolloback sa araw ng Martes, Nobyembre 3.