-- Advertisements --
Asahan ang malakihang tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa ilang mga impormante mula sa oil industry, may tapyas na P1.50 hanggang P1.60 ang kada litro ng diesel.
Magkakaroon din ng P0.95 hanggang P1.10 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Habang sa presyo naman ng kada litro ng kerosene, bababa ito ng mula P1.40 hanggang P1.50.
Karaniwang ipinatutupad ang adjustment sa oil prices sa araw ng Martes.