-- Advertisements --
Base kasi sa kanilang datus ng unang tatlong trading days, na bumaba ang presyo ng imported na fuel dahil sa mahinang deman at kinakatakutang recession sa maraming mga malaking ekonomiya.
Maaring maglaro ang bawas presyo ng P2.88 sa kada litro sa gasolina.
Habang ang diesel ay asahan ang P2.13 na roll sa kada litro at ang kerosene ay mayroong P2.43 na kada litrong rollback.
Isa rin na nakikitang dahilan ng bawas presyo ay ang nagaganap na geopolitical tensiyon sa Middle East.
Tuwing araw ng Lunes naman inilalabas ng mga kumpanya ng langis kung magkano ang bawas presyo ng mga produktong langis na kadalasang ipinapatupad tuwing Martes.