-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ang P0.70 na bawas presyo sa kada litro ng gasolina.

Habang ang diesel ay mayroong P0.95 na bawas sa kada litro samantalang ang kerosene ay mayroong bawas na P1.10 sa kada litro.

Ayon sa Department of Energy’s Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na ang bawas presyo ay ang inaasahang pananatili ng US interest rates.