-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang bawas presyo sa mga produkto.

Nitong ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.50 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang P0.85 sa kada litro ng kerosene at P0.70 naman ang bawas sa kada litro ng diesel.

Ayon sa Department of Energy na ang itinuturing nilang ang dahilan ng bawas presyo ay ang pagbaba ng tensiyon sa giyerang nagaganap sa Gitnang Silangan.

Kabilang na rin ang pagtaas ng biodiesel content sa mga produkto.