-- Advertisements --
Inaasahang magpapatupad ang mga kompaniya ng langis ng rollback sa ikalawang linggo ng buwan ng Hunyo.
Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Ass. Director Rodela Romero, inaasahang magkakaroon ng rollback na P0.70 to P0.90/L para sa gasolina.
Sa Diesel at kerosene naman, inaasahang magpapatupad ng tapyas na P1.20 to P1.50/L.
Paliwanag ng DOE official na ang pagtapyas sa interest rates at mas mababa kesa sa inaasahang pagtaas sa demand ang factor sa posibleng pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.