-- Advertisements --

Magpapatupad ngayong Marso 30 ng bawas-presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis sa bansa.

May bawas na P2.00 sa kada litro ng gasolina habang mayroong P0.50 ang ibabawas sa kada litro ng diesel at P1.95 naman ang kaltas sa kada litro ng kerosene.

Nauna ng nagpatupad ang Caltex at Seaoil ng bawas presyo ngayong Lunes habang bukas naman o Martes ay susunod ang Cleanfuel, Petro Gazz at Shell.

Ang nasabing pagbawas ng presyo ay dulot ng pandaigdigang pagbawas ng langis.