-- Advertisements --

Nagsimula na ang ilang kumpanya ng langis ng bawas presyo sa kanilang mga produkto.

Mayroong P0.75 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon naman na parehas na P0.60 ang ibabawas sa kada litro ng kerosene at diesel.

Kaninang alas-12:00 ng madaling araw nang sinimulan ng Caltex ang bawas singil habang nitong alas-6:00 ng umaga ang kompaniyang Shell, Sea Oil, Petro Gazz, Total at PTT.

Ito ang kauna-unahang rollback na naganap dahil nagkaroon ng 14 na magkakasunod ang pagtaas-presyo ng diesel habang ang siyam na linggo naman na magkakasunod na tumaas ang presyo ng gasolina.