-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang bawas presyo ng mga produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.30 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Mayroon ding P0.30 na bawas sa kada litro ng diesel.
Habang ang kerosene ay mayroong P0.90 na bawas sa kada litro.
Itinuturing na dahilan ng Department of Energy ay ang mahinang demand ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.