-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng langis ngayon araw.

Kaninang alas-6 ng umaga ng ipatupad ang P2.45 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang bawas din na P2.40 sa kada litro ng kerosene habang ang diesel ay mayroong P1.90 na bawas sa kada litro.

Ayon sa Department of Energy na ang paglakas ng peso at ang pangamba ng recession ganun din ang huminang consumption ng China ang dahilan ng panibagong bawas presyo.