-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang bawas presyo.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang bawas P0.60 sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang bawas na P1.20 sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay mayroong bawas na P1.30 sa kada litro.

Isa sa mga dahilan na nakita ng Department of Energy ay ang patuloy na pagbaba ng demand ganun din ang pagbawas ng mga interest rates ng mga langis sa world market.