-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Mayroong P0.70 sa kada litro ang ibinawas sa gasolina.

Habang mayroong P3.00 sa kada litro ng diesel at P2.30 naman sa kada litro ng kerosene.

Sinabi ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na ang sanhi ng panibagong rollback ay dahil sa niluluwagan na ang global supply ng mga produktong langis.