-- Advertisements --

Asahan umano ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Ito ay matapos ang anim na magkakasunod na linggong may oil price hike.

Batay sa ilang mga impormante, may P0.10 hanggang P0.20 na kaltas sa kada litro ng diesel.

Bababa naman sa P0.30 hanggang P0.40 ang kada litro ng kerosene.

Habang wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng gasolina.