-- Advertisements --
Asahan ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong langis sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na sa nagdaang apat na araw na trading ay nakita nila ang posibilidad ng rollback.
Tinatayang maglalaro ng hanggang P0.53 sa kada litro ng diesel ang ibabawas.
Habang ang gasolina ay maglalaro ng hanggang P0.34 at mayroon namang P0.23 sa kada litro ang bawas sa kerosene.
Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang rollback na kadalasang ipinatupad sa araw ng Martes.