-- Advertisements --
Asahang susunod na ring mag-anunsiyo ang ilang oil company ng kanilang ipatutupad na oil price rollback sa kanilang produktong petrolyo.
Sa hiwalay na advisories, ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil ay magpapatupad ng rollback sa gasolina na nasa P2.10 kada litro.
Mas malaki naman ang bawas sa kada litro ng diesel na P3 habang ang kerosene ay mayroong bawas na P2.30 kada litro.
Samantala, ang Petro Gazz ay magpapatupad ng parehong adjustment maliban sa kerosene na hindi nila produkto.
Epektibo ang oil price adjustment ng naturang mga kumpanya dakong alas-6:00 bukas.