Kabado ang ilang mga analysts at ekonomista na baka tumagal pa ng ilang linggo bagong tulyang maisaayos ang full productions ng Saudi Aramco na sunod-sunod na binomba ng mga drones sa Saudi Arabia.
Bagamat hinuhulaang short term lamang daw ang “shock,” pero lumalabas na baka tumagal pa ang pagkadiskarel ng Saudi productions.
Duda raw ang ilang mga negosyante na bibilang lamang ng araw at maisasaayos na rin ang problema.
Una nang naparalisa ang anim na porsyento na produksiyon ng planta para sa buong mundo nitong nakalipas na Linggo.
Ito ay katumbas ng 5.7 million barrels per day na oil supply.
Nitong araw ang presyo sa world market lalo na ang tinatawag na Futures Brent crude, ang siyang tinaguriang global benchmark, pumalo na sa 14% ang pag-angat ng presyo ng kada bariles ng krudo o nasa $69.02.
Ayon pa sa mga analysts, bad timing ang problema sa suplay sa langis lalo na at nandiyan din daw ang umiiral na trade war ng China at Amerika.
Liban dito ang China at Germany naman ay namemeligro rin ang ekonomiya na maaaring sumadsad daw tungo sa recession.