Tiniyak umano ng top oil producer na Saudi Aramco sa mga Indian refiners na wala silang mararanasan na oil shortage matapos ang pag-atake sa pinaka-malaking oil facilities sa Saudi Arabia noong Linggo.
Ayon sa Indian oil ministry, patuloy ang kanilang pagmonitor sa sitwasyon at kasalukuyang nakikipag-usap ang mga ito sa ilang Indian refiners at maging sa Saudi Aramco.
Pumapangalawa ang Saudi Arabia sa pangunahing pinagkukunan ng langis ng India.
Noong Enero-Hulyo ay nakapag-supply ito ng 788,200 bariels ng langis kada araw.
Sa kabila nito ay nagpahayag naman si US President Donald Trump na handang magbahagi ang kaniyang bansa ng langis mula sa US Strategic Petroluem reserve kung kinakailangan.
Dahil sa pagkasunog ng oil facilities ay tumaas ang presyo ng langis ng hanggang 20%. Ang international benchmark na Brent crude oil ay tumaas mula $12 o 700 pesos hanggang $71.95 o 3,800 pesos kada bariles. Samantalang ang U.S West Texas Intermediate crude naman ay tumaas mula $6.4 o halos 335 pesos hanggang $61.23 o 3,200 pesos kada bariles.