Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na may oil spill boom nang inilagay sa pinaghihinalaang lokasyon ng lumubog na motor tanker na MT Princess Empress sa kalapit na karagatan sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Rear Admiral Armand Balilo, nailagay na ang oil spill boom upang pigilan ang mabilis na pagkalat ng langis sa nasabing karagatan.
Ito rin aniya ay makakatulong upang mas mabilis na ma-recover o makuha ang mga tumagas na langis.
Kung matatandaan, ang MT Princess Empress ay may kargamentong 800,00 litro ng industrial fuel oil nang lumubog ito dahil sa malakas na alon noong Pebrero 28.
Ayon sa PCG, lumubog ang motor tanker sa 400 metro sa karagatan, na masyadong malalim para maabot ng mga expert diver.
Una ng sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na natukoy na nila ang posibleng lokasyon ng motor tanker sa hilagang-silangan ng bayan ng Pola.