Pinangangambahan ngayon na posibleng umabot pa hanggang sa Verde Island Passage (VIP) na kinikilala bilang “Center of global shore-fish biodiversity” ng Pilipinas dahil sa patyuloy na paglawak pa ng naapektuhan ng tumagas na langis mula sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress sa karagatan ng Oriental Mindoro ayon sa marine expert.
Ibinabala din ng University of the Philippines Marine Science Institue (UP MSI) na maaaring lumawak pa ang apektado ng oil spill kasabay ng pagbabago ng direksiyon ng hangin dulot ng amihan o northeast monsoon na tumutulak pa-hilagang direksiyon patungo sa critical biodiversity center.
Ayon sa isang marine expert bagamat karamihan sa tumagas na langis ay maaaring umabot lamang hanggang Naujan at Pola Bay sa Oriental Mindoro, ang paghina ng hanging amihan ay posibleng magresulta sa pagdaloy ng tumagas na langis patungo sa southward hanggang northern Palawan para dumaloy pa-hilagang direksiyon sa halip na sa Verde Island pagdating ng Marso 16.
Ang Naujan ay 69 na kilometro ang layo habang 109km naman ang bayan ng Pola timog ng Verde island.
Ang Verde Island ay isang lagusan patungo sa Batangas at Mindoro. Kilala rin ito na may pinakamataas na concentration ng coastal fishes, corals, crustaceans, mollusks, seagrasses at mangroves sa buong mundo.