Ikinababahala ngayon ng mga eksperto na posibleng umabot pa hangang sa tourist destination na Puerto Galera sa Mindoro ang oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ayon kay University of the Philippines-Marine Science Institute Associate Professor Irene Rodriguez, base sa pagtaya sa trajectory ng oil spill base sa paghina ng amihan at ang alon ng dagat ay umakyar daw sa hilagang bahagi ng Oriental Mindoro.
Kaya naman posible raw itong pumunta ito sa Puerto Galera, Calapan at ilang lugar sa Batangas.
Posible raw itong makaapekto na ngayon sa Verde Island Passage at ito ay aabot sa Marso 15 at 16 sa Puerto Galera at Calapan.
Sinabi naman ni Rodriguez na puwede pa rin namang mapigilan ng mga local government units (LGUs) ang oil spill at maging dahilan ng damage sa mas maraming coastal communities sa pamamagitan ng treatment sa contaminated na tubig malapit sa source o kung saan naka-concentrate ang oil spill.
Ipinanukala rin ng mga local officials na gumamit ng in-situ burning o controlled burning ng langis habang ito ay nasa bahagi pa ng tubig.
Dagdag ni Rodriguez, kailangan ng Philippine Coast Guard (PCG) na gumamit ng oil booms at skimmers para kontrolin ang oil spill.
Naniniwala naman ang professor na aabutin ng ilang taon para sa malinisan ang karagatan mula sa lumubog na motor tanker na mayroong laman na 800,000 liters ng industrial oil.
Payo rin ni Rodriguez sa mga local government units na huwag ibaon ang nakuhang langis sa buhangin.