-- Advertisements --
image 553

Umabot na rin sa Harka Piloto fish sanctuary sa Calapan city ang tumagas na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress base sa ulat na natanggap ng Calapan Fishery and Management Office (FMO).

Ang Harka Piloto ay isang marine-ptotected arra malapit sa Verde Island Passage na itinuturing na pinaka-kritikal na marine biodiversity cehter sa buong mundo.

Bilang tugon, agag na nagsagawa na ng cleanup para matanggal ang langis mula sa katubigan at dalampasigan.

Napapalibutan din ang Harka Piloto ng crystal blue waters na masagana sa marine life at ideal para sa recreational activities gaya ng diving at snorkeling.

Nasa 23 kilometro naman ang layo ng Calapan na capital city ng Oriental Mindoro mula sa karagatan ng Naujan kung saan lumubog ang oil tanker na naglalaman ng 800,000 litro ng industrial fuel.