-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Wala pang palatandaan na umabot sa Isla ng Boracay ang oil spill mula sa isang tanker na lumubog sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon Coast Guard Lt. Commander Jansen Benjamin, tagapagsalita ng PCG-Region 6 kasunod ito ng isinagawa nilang coastal monitoring patrol sa baybayin ng Malay, Aklan na siyang may hurisdiksyon sa Boracay.

Huminto na rin aniya ang pagdagsa ng oily water sa Caluya, Antique.

Nabatid na umabot ang oil spill sa Caluya na naka apekto sa tatlong barangay nito dahilan na isinailalim ang PCG-6 sa pinakamataas na alerto upang magbantay sa mga karagatang sakop ng Western Visayas.

Sa kabila nito, sinabi ni Lt. Commander Benjamin na hindi pa rin nila isinasantabi ang posibilidad na magkaroon ng oil slick sa Boracay at iba pang lugar sa Isla ng Panay dahil sa inaasahang pagbuga ng panibagong volume ng langis mula sa barko at direksyon ng hangin.

Samantala, hindi na nadagdagan ang 3,100 litro ng langis na may halong tubig-dagat na nakolekta ng PCG-6 sa mga apektado ng oil spill sa nagpapatuloy na clean-up operation sa Caluya, Antique.

Nakakolekta rin ng saku-sakong oil-contaminated materials at ilang drum ng oil debris at basura mula sa 3 barangay sa nasabing bayan.