Agad na sumipa ng apat na porsyento ang pagtaas ng presyo ng krudo sa international market matapos mapaulat ang pagkapatay ng Amerika sa inilunsad na airstrike ang top Iranian general sa Iraq.
Ang tinatawag na Futures para sa Brent Crude ang nagsisilbing global benchmark sa presyuhan ay umakyat sa 3.6 percent ang presyo o nasa 68.60 per dollar bawat bariles ang krudo.
Sinasabing ito na ang highest prices mula pa noong buwan ng Setyembre nang atakehin naman ng Iran ang ilang oil facilities ng Saudi Arabia.
Noong buwan ng Oktubre ay bumalik sa 51 US dollars kada bariles ang presyo ng krudo.
Ayon sa ilang mga political analyst ang pagkapatay sa isa sa itinuturing na makapangyarihang Iranian general ay lalong magpapalala sa tension sa Middle East.
Sa naturang rehiyon kasi nakasentro ang mga major oil producing countries at nakadepende naman sa supply ang maraming mga bansa sa buong mundo kasama na ang Pilipinas.
Sinabi naman ni Jeffrey Halley, isang senior market analyst, nangangamba siya sa mga susunod na hakbang na posibleng makaapekto sa mga oil installations at nagde-deliver na mga oil tankers.
Habang si Raymond James, isang energy strategist ay nagbabala sa pagsasabing sa mga susunod na araw at linggo ay dapat magbantay ang mundo sa gagawing pagganti ng Iran kung ito nga ba ay aktuwal na tatama sa oil supply disruption.