Naniniwala ang ilang business analyst na tiyak na ang pagmahal ng presyo ng langis kada bariles matapos atakihin ng mga rebelde ang dalawang oil facilities sa Saudi Arabia.
Ayon kay Sandy Fielden, director of research for Morningstar Inc., malaki ang posibilidad na pumalo sa $80-per barrel ang presyo ng Brent crude, habang $75-per barrel naman ang inaasahang maging halaga ng West Texas intermediate (WTI).
Pero nakadepende pa rin daw sa gagawing hakbang ng Saudi Aramco kung ano ang magiging paggalaw ng presyo sa oil market.
Sa ngayon hindi pa nila nakikita ang problema sa supply dahil may natitira pang imbentaryo ng langis ang Saudi.
“Brent could go to $80 tomorrow, while WTI could go to $75,” ani Fielden sa ulat ng Bloomberg. “But that would depend on Aramco’s 48-hour update. The supply problem won’t be clear right away since the Saudis can still deliver from inventory.”
Tinatayang 5% ng world supply ng krudo ay nakadepende sa Saudi.