-- Advertisements --

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagdukot ng mga pirata sa pitong crew ng oil tanker sa Equatorial Guinea.

Nasa 15 crew ng nasabing barko ang kinabibilangan ng Serbian, South Africa, Cameroon at mga Pinoy.

Ayon sa US oil giant na ExxonMobil na nakapagtago ang walong crew habang nadukot ang pitong iba pa.

Galing sa Zafiro ang nasabing barko at patungo sana ito sa southern island ng Bioko.

Hindi naman nagbigay pa ang kumpanya ng mga detalye kung magkano ang hinihiling na pera ng mga kidnappers.