GENERAL SANTOS CITY – Nilinaw ni Municipal Kagawad Manuelo Mangalon ng Alabel, Sarangani Province ang alegasyon ng isang OJT o On the Job Trainee na inabuso umano ng nasabing Municipal Kagawad sa kanyang opisina.
Wala naman daw siyang inaabuso na mga manggagawa sa kanyang opisina kung saan mapapansin naman daw ito ng kanyang mga kasamahan kung mayroon syang ginawa.
Ngunit aminado naman na nagpadala siya ng mensahe sa OJT na si Alyas Mic Mic na nagsasabing “I love you” bilang kanyang kaibigan.
Napag-alaman na kahapon ay nagsampa ng reklamong sexual harassment at abuse of authority si Alyas Micmic laban kay Kagawad Mangalon.
Nagsimula ang lahat ng hinupuan umano at ninakawan ng halik ang nasabing OJT.
Desidido ang biktima na ipagpatuloy ang reklamo at hindi magpapaereglo.
Inamin naman ng Bise Mayor ng Alabel, Sarangani Province na si Salway Lente, na nagtungo sa kanyang tanggapan si Alyas MicMic para humingi ng payo kaugnay ng alegasyon na inabuso ng Municipal Kagawad.
Aniya, hindi nila ipagtatanggol kung guilty ang kanilang kasamahan at nasa desisyon ng biktima kung itutuloy ang kaso o hindi.