-- Advertisements --

Wala raw magagawa ang pambansang pulisya kung ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa PNP ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Sa panayam kay PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa kaniyang tiniyak ang kahandaan ng PNP para pangunahan ang kampanya kontra iligal na droga.

Sa naging pahayag ni Duterte, kaniyang sinabi na balak nitong ibalik ang PNP sa war on drugs kapag tumaas ang kaso ng mga homicide cases na may kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon kay Dela Rosa desisyon ito ng Pangulo at pangako niya ito sa sambayanang Pilipino na maging drug free ang bansa.

Una nang sinabi ni NCRPO chief Director Oscar Albayalde na may naitala ng kaso ng pagpatay na may kaugnayan sa iligal na droga.

Pero ayon kay PNP chief bina-validate na rin ang mga naitalang homicide cases na may kinalaman sa iligal na droga.

Aminado naman si Dela Rosa na may mga kaso talaga ng patayan sa ibang mga lugar sa bansa na drug related.