Hindi umano ipipilit ng Malacañang kay Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) co-chair Vice President Leni Robredo na sumama sa drug operations na isasagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcers.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung malalagay sa alanganin ang seguridad ng bise presidente ay mas mainam na huwag na lamang itong sumama sa anti-narcotics operations.
Ayon kay Sec. Panelo, kahit hindi physically na sasama si VP Robredo sa drug operations ay maaari naman nitong i-monitor ang ginagawa ng mga law enforcers sa ground.
Una ng inimbitahan ni PDEA director geeneral at ICAD co-chair Aaron Aquino kay VP Leni na sumama sa mga drug operations para masaksihan ang mga nangyayari sa ground at kung bakit may napapatay.
Tinanggap naman ito VP Robredo at handa raw sumama sa drug operations kung kinakailangan.