-- Advertisements --
Salvador Panelo
Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo

Maaari ng makabiyahe sa South Korea ang mga Pilipino maliban lamang sa North Gyeongsang Province, Daegu City at Cheongdo County.

Inaprubahan ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa kanilang meeting ngayong araw sa Department of Health – Central Office kaugnay sa new coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, lahat ng mga Pilipinong nagbabalak bumiyahe sa ibang bahagi ng South Korea ay kailangang lumagda ng declaration kung saan nakasaad na alam at nauunawaan nila ang panganib sa kanilang biyahe.

Ayon kay Sec. Panelo, nananatili pa rin ang ban sa Pilipinas ang mga foreign nationals mula sa North Gyeongsang Province, Daegu City at Cheongdo County.

Samantala, naghahanda na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation ng 148 Filipinos mula Macau via chartered flight habang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay inaayos na rin ang pag-repatriate sa 48 nilang aktibong miyembro sa pamamagitan ng isang commercial flight.

“The IATF has approved to allow Filipinos to travel to South Korea except to the whole of North Gyeongsang Province, including Daegu City and Cheongdo County, where the virus outbreak is concentrated. All Filipinos who intend to visit other parts of South Korea shall execute and sign a declaration, signifying their knowledge and understanding of the risks involved in their trip. A health advisory pamphlet shall likewise be handed out to them upon their departure,” ani Sec. Panelo.

“The ban on the entry of foreign nationals travelling from North Gyeongsang Province, including Daegu City and Cheongdo County, into Philippine territory remains effective.”