-- Advertisements --

Pitong laro na lamang bago tuluyang matapos ang regular season ng NBA, nananatiling top team ang Oklahoma City Thunder at Cleveland Cavaliers sa western at eastern conference.

Sa kasalukuyan ay tanging ang dalawang team ang mayroong mahigit 60 panalo kung saan hawak ng Cavs ang 60 wins at 15 loss habang hawak naman ng Thunder ang 63 panalo at 12 pagkatalo.

Nananatili naman ang OKC bilang top team sa buong NBA: hawak nito ang 34 – 5 na record sa mga home games habang sa pagbisita nito sa mga kalabang koponan, mayroon itong record na 27 – 11.

Sa kasalukuyan ay hawak din ng OKC ang 10-game winning streak.

Samantala, sa western conference ay nasa pangalawang pwesto ang Houston Rockets, na sinusundan ng Denver Nuggets, Los Angeles Lakers, at panglima ang Memphis Grizzlies.

Sa eastern conference, nasa pangalawang pwesto ang Boston Celtics, habang sumusunod ang New York Knicks, Indiana Pacers, at Detroit Pistons.

Matatapos ang regular season sa April 13, 2025 habang ang Play-In Tournament ay magsisimula sa April 15 hanggang 18.