-- Advertisements --

Naitabla na ng Oklahoma City Thunder sa 2-2 ang Western Conference semifinals nila ng Dallas Mavericks sa score na 100-96.

Bumida sa panalo ng OKC si Shai Gilgeous-Alexander na nagtala ng 34 points, walong rebounds at limang assists habang mayroong 18 points si Chet Holmgren.

Inireklamo pa ng Dallas na double-dribble si Jalen Williams noong ito ay nag-drive subalit naging tama rin ang referee sa natitirang 1:29 minuto ng laro.

May tsansa pa sana ang Dallas na maitabla ang laro sa natitirang 10.1 segundo subalit hindi naipasok ni Luka Doncic ang isa niyang free throws.

Inamin ng OKC na naging mahirap ang laro dahil hindi biro ang habulin ang 14 points sa umpisa ng second half.

Hindi naman itinanggi ni Gilgeous-Alexander na ang nasabing laro ay siyang hindi makakalimutan niya dahil sa matinding depensa at opensa na ipinakita sa bawat panig.