-- Advertisements --
BOMBO DAGUPAN- Pinaghahandaan na ng Okinawa, Japan ang posibleng epekto ng bagyong Khanun.
Ayon kay Myles Briones Beltran, Bombo International News Correspondent sa Japan, nagkansela na rin ang ilang flight sa Okinawa,Japan dahil sa taglay nitong lakas na hangin na umaabot sa 198 kl/hr.
Kung kaya’t panay ang pag-papaalala ng mga otoridad sa mga residente na maging alerto at mag-ingat dahil sa dalang posibleng mud slide at pagbaha dulot bagyo.
Kaugnay nito, bukas naman ang bawa’t tanggapan sa lugar upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga residente.