-- Advertisements --
image 169

Bumalandra muli ang matibay na depensa ng Oklahoma City Thunder matapos nilang maungusan ang katunggaling Philadelphia 76ers sa score na 133-114.

Ito ang ika apat na panalo ng Thunder sa anim na laban nito at ito na umano ang kanilang signature win ngayong season ng National Basketball Association.

Ang Thunder ay may solidong 13 wins at 9 loses na naitala sa kanilang sariling balwarte habang 6 na laban pa lamang ang kanilang naipanalo sa road game nito.

Nagpakawala ang star player ng Thunder na si Shai Gildeous – Alexander ng kabuuang score na 37 points at 8 para sa kanyang team.

Hindi naman nagpahuli ang Center player ng Philadelphia 76ers na si Joel Embiid at umiskor ito ng 30 points at 10 rebounds.

Tabla ang naging resulta ng laban sa unang quarter ngunit tuluyang lumamang ang Thunder sa pangalawa, pangatlo at huling quarter ng laro.

Matatandaan na tinalo ng 76ers ang Thunder sa unang paghaharap nito noong Enero 1 taong kasalukuyan ngunit nabigo itong masundan ngayong araw.

Ang naturang laban ay ginanap sa Wells Fargo Center na pinanood ng mahigit 20,000 na NBA fans.