-- Advertisements --
Pinayagan ng Supreme Court ng Oklahoma na magsagawa ng kaniyang rally si US President Donald Trump.
Ang nasabing kaso ay nagpipigil sa gagawing political rally ni Trump sa araw ng Linggo dahil sa banta na baka mas lalong tataas ang kaso ng coronavirus.
Ang nasabing kaso ay inihain ng mga residente at negosyante sa lugar dahil sa pangamba na hindi na masusunod ang social distancing guidelines na naaayon sa rekomendasyon ng US public health officials.
Sa panig naman ni Trump na kanilang susuriing mabuti ang mga temperatura na bawat dadalo sa nasabing rally.
Ang nabanggit na rally ay siyang kauna-unahang isasagawa mula pa noong Marso.
Maging ang pangulo ay ipinapaubaya na rin sa mga dadalo kung gusto nila ng magsuot ng mga facemask.